Inspection sa mga detention cell sa bansa, mas paiigtingin ng PNP-HRAO (FEB042014)

MANILA, Philippines -- Mas paiigtingin ng PNP Human Rights Affairs Office (HRAO) ang pagmo-monitor sa mga detention cell sa bansa upang maiwasan ang pang-aabuso ng mga pulis sa mga detainee. Kasunod ito ng pagkakabunyag sa umano'y pag-torture ng mga pulis sa mga detainee ng provincial intelligence branch sa Laguna. Ayon kay Police Chief Superintendent Prudencio Tom Baas, hepe ng PNP Human Rights Affairs Office, magsasagawa sila ng mas madalas na surprise inspection sa mga kulungan sa bansa upang mamonitor ang aktibidad ng mga pulis at kalagayan ng mga bilanggo. "Continuing yung our efforts to monitor yung mga lock up cells at do un-announced inspections together with the Commission on Human Rights." Sinabi pa nito na oobligahin din nila ang mga opisyal sa bawat police stations na magsumite ng report sa sitwasyon ng mga detainee sa kanilang nasasakupan. "Yung mga commanding officers, provincial directors, chief of police are required to submit a compliance which we compile and submit to the Commission on Human Rights," saad pa ni Baas. Samantala, tiniyak ng heneral na kung mapatutunayang nagkasala ay mahaharap sa kasong administratibo at kriminal ang mga sangkot na pulis. "Definitely they will be facing administrative charges, ongoing na po yung pre-charge evaluation and investigation taking care by IAS and they are not exempted in criminal liability na isasampa ng mga relatives," dagdag pa ni Baas. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)

CG: PAGTUGIS SA ILLEGAL LOGGERS SA AURORA, PNP AT AFP NAKASAGUPA ANG NPA NAGKA-ENGKWENTRO ANG PNP AT MGA REBELDENG NPA SA BARANGGAY SAN LUIS BALER AURORA. AY...

ALL-OUT WAR, IDINEKLARA LABAN SA ILLEGAL LOGGERS SA AURORA ANG WALANG HABAS NA PAGPUTOL NG MGA PUNO SA KABUNDUKAN ANG ISA SA TINUTUKOY NA DAHILAN KUNG KAYAT ...

Kaitlin Pearson, nawalan ng trabaho dahil sa mga hubad na litrato! Si Kaitlin Pearson ay isang inosenteng, 23-year-old na girl-next-door-type, na nagtatrabaho bilang isang teacher's assistant, Sa special needs department, Sa South Street Elementary School sa Fitchburg, Massachusetts. Pero siya ay pinatalsik ng administrasyon itong linggo... Nang ang isang anonymous tipster ay ipinakita sa kanila ang litratong ito. At ito... At ito... At ito, ito, at ito. Gets mo na? Kung hindi, ang lahat ng mga litrato ay nasa kanyang Facebook. Si Kaitlin, aka Kaity, ay isang modelo rin. At ang kanyang mga halos-hubad, at hubad na litrato -- na walang pinakitang maselang parte ng katawan - ay ikinagalit ng mga opisyal sa eskuwelahan. Siya ngayon ay nailagay sa paid leave, habang iniimbesitgahan nila ang kasong ito, para daw "maligtas ang kabataan sa eskuwelahan." Tama naman ang school superintendent na si Andrew Ravenelle sa pagsabing ang mga litrato ni Kaity ay hindi isang krimen. Kaya kami naman dito sa Tomo News ay hindi maintindihan kung bakit OA ang reaksiyon ng eskuwelahan. Para sa inyo -- tama ba na parusahan si Ms. Pearson, para sa kanyang part-time na trabaho? For news that's fun and never boring, visit our channel: http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH Subscribe to stay updated on all the top stories: http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH Stay connected with us here: https://www.facebook.com/TomoNewsPH

CG: PAGTUGIS SA ILLEGAL LOGGERS SA AURORA, PNP AT AFP NAKASAGUPA ANG NPA NAGKA-ENGKWENTRO ANG PNP AT MGA REBELDENG NPA SA BARANGGAY SAN LUIS BALER AURORA. AY...

Kinasuhan na ng multiple murder si Police Superintendent Hansel Marantan at labindalawa pang mga pulis na sangkot sa Atimonan, Quezon shooting incident. Pinawalang-sala naman ng Department of Justice ang dating hepe ng CALABARZON-PNP na si Chief Superintendent James Melad at ang mga sundalong kasama sa operasyon sa Atimonan, Quezon noong January 6. Kabilang sa mga kinasuhan ng multiple murder ang mga sumusunod na pulis: Superintendent Ramon Balauag Chief Inspector Grant Gollod Senior Inspector John Paolo Carracedo Senior Inspector Timoteo Orig Senior Police Officer 3 Joselito de Guzman Senior Police Officer 1Arturo Sarmiento Senior Police Officer 1Carlo Cataquiz Police Officer 3 Eduardo Oronan Police Officer 2 Nelson Indal Police Officer 2 Al Bhazar Jailani Police Officer 1 Wryan Sardea Police Officer 1 Rodel Talento alias "Rodel Tolentino" Ito ang balita ni Victor Cosare. For more news video visit: http://www.untvweb.com/video/ito-ang-balita/

MANILA, Philippines Dalawa pang mataas na opisyal ng pulis sa Laguna ang inalis sa puwesto kaugnay sa nabunyag na umano'y pag-torture ng ilang pulis sa mga bilanggong nasa kanilang kustodiya. Ayon kay PNP Spokesman Sr. Supt. Wilben Mayor, inalis sa pwesto si Laguna Police Director, Senior Superintendent Pascual Muoz Jr., at ang kanyang intelligence chief na si Superintendent Kirby John Kraft. Una nang na-relieved ang sampung pulis na umano'y nag-torture o nagpahirap sa 41 bilanggo ng Bian, Laguna. Maaring matanggal sa serbisyo ang mga ito kung mapatutunayang totoo ang akusasyon sa mga isinasangkot na pulis. Sa kasalukuyan ay pinagbawalan ng pumasok sa kampo ang mga akusadong pulis habang nagsasagawa ng imbestigasyon. Sa inisyal na pagsisiyasat, lumalabas na may paglabag sa polisiya ang mga pulis dahil sa paglalagay ng extension ng detention facility. Ani Mayor, "Rule dapat kasama police sation hiwalay minor babae lalake." "One of the reasons na-relieve sila." Sa ngayon ay pinamamadali na ang proseso ng imbestigasyon sa kasong administratibo ng 12 pulis. Pinag-aaralan na rin kung posibleng may mas mataas pang opisyal na sangkot sa kaso. (Victor Cosare / Ruth Navales, UNTV News)

MANILA, Philippines -- Bukod sa mga baril ng mga pulis, sinelyuhan na rin ang baril ng mga security guard kaugnay ng kampanya laban sa indiscriminate firing sa pagsalubong sa bagong taon. Sa Enero 2, Huwebes isasagawa ang inspeksyon sa mga sinelyuhang baril kung may natanggal na tape na indikasyon na pinaputok ito. Ayon sa Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (SOSIA) ng PNP, mahaharap sa kaso ng indiscriminate firing at kanselasyon ng lisensiya ang sinomang security guard na mahuhuling nagpaputok ng baril. Sa kabila nito, nilinaw naman ni Senior Superintendent Dominador Tubon, hepe ng PNP SOSIA, kahit nakatape ang baril ng mga gwardiya ay maaari pa rin nila itong gamitin, depende sa sitwasyon at kung hinihingi ng pagkakataon. Bukod sa Metro Manila, inabisuhan na rin ang mga sangay ng PNP sa buong bansa na magsagawa ng muzzle sealing sa baril ng mga guwardiya sa kanilang nasasakupan. Sa rekord ng SOSIA, nasa mahigit 550-libo ang security guard sa buong bansa. Sa kabila ng mahigpit na kampanya laban sa indiscriminate firing, umabot na ngayon sa 12 ang bilang ng mga tinamaan ng ligaw na bala, at isang suspek pa lang ang hawak ng pulisya. Apela ng PNP sa publiko, magbigay ng impormasyon kung sinu-sino sa kanilang lugar ang mahilig magpaputok ng baril. Ayon sa pulisya, mahalaga ang maibibigay sa kanilang impormasyon upang madaling matunton ang mga may-ari ng baril na mahilig magpaputok sa isang lugar. (Victor Cosare / Ruth Navales, UNTV News)

Sa muling pagbisita ni PNP Chief Nicanor Bartolome sa Camp Vicente Lim sa Calamba, Laguna ay buong pagmamalaki nitong ibinida sa mga pulis ng CALABARZON ang ...

Here is the original post:
Demolition job?

Related Posts
March 12, 2014 at 5:19 pm by Mr HomeBuilder
Category: Demolition