ANG DAMI na palang acting awards na napanalunan ni Coco Martin na isa sa mga bida sa pelikulang Feng Shui ng Viva Films at Star Cinema na showing na sa Chrisrmas Day. Umabot na ito sa 34, huh! Aba, kung ganun, si Coco ang maituturing na most-awarded actor. Ang bongga naman!

Pero kahit napakarami na niyang awards and trophies ay nae-excite pa rin daw siya pag umaakyat sa stage at tumatanggap ng award.

Hindi naman sa gustong laging magka-award. Pero iba talaga yung feeling kapag nare-recognize yung trabaho at pinaghirapan mo. Napakasarap ng pakirandam, sabi pa nito.

Sa akin kasi parang bonus na lang yung award, eh. Kung meron siyempre okey di ba? Kung wala naman, may mga susunod pa namang magagandang proyekto, baka yon, magustuhan nila, patuloy pa ng aktor.

Sa Feng Shui, hindi raw nag-i-expect ng best actor award si Coco.

Natapos ko yung pelikula na wala akong inaasahan. Ang importante, nagawa ko ang Feng Shui at nakasama ko for the first time si Ate Kris (Aquino) at nakatrabaho ko si Direk Chito Roo, reaksyon niya.

Ayon pa sa aktor, may konti siyang sosyo sa pelikula thru K Productions na si Kris ang nagmamay-ari.

Tungkol naman sa pambubuko ni Kris sa kanyang lovelife, tinawanan lang ito ni Coco.

La Boka by Leo Bukas

Read more:
Coco Martin, sa dami ng awards, nae-excite pa ring manalo

Related Posts
December 17, 2014 at 10:10 am by Mr HomeBuilder
Category: Feng Shui